Tuwing ika-30 nang Disyembre ay ipinagluluksa ng sambayanang Pilipino ang kamatayan ng dangal ng ating saling lahi – Gat Jose Rizal. Kasabay sa pagluluksa ang pagdiriwang at pag-gunita sa kanyang kabayanihan; gayundin ang kamatayan ng maraming niyang mga pangarap. Isa sa pangararap na iyan ay itatag “Ang Bagong Calamba.
Hindi po ang ating bagong Lungsod ng Calamba sa bagong milenyo ngayon. Sa halip ay “Ang Bagong Calamba:” Hindi sa Pilipinas na sakop ng kahariang Espanya noon, kundi sa lupain ng Hilagang Borneo (kilala bilang Sabah ngayon).
Batay sa ulat ng ilang historians ang Sultan ng Brunei ay isa ring Pilipino. Dahil kaibigang matalik, tinulungan siya ng Sultan ng Sulu sa pag-gapi sa isang rebelyon sa Brunei. At bilang pagtanaw ng utang na loob, iginawad na gantimpala ng sultan ng Brunei ang pagmamay-ari sa teritoryo ng hilagang Borneo sa Sultan ng Sulu.
1871 naganap ang pormal na pagliliwat kapangyarihan sa teritoryo. Mula noon ang Sultan ng Sulu ang maykapangyahan, pagmamay-ari, at hurisdiksyon sa lupaing nabanggit. Ang lupain ng Hilagang Borneo buhat noon ay naging bahagi ng Pilipinas.
1878 nang mapadpad sa Sulu ang dalawang abenturero buhat sa Europa: Oerbeck, isang Aleman, at Dent, isang Briton. Ang mga ito ay tuso at oportunista. Hinikayat nila ang ika-27 Sultan ng Sulu, Jamalul Ablam upang lagdaan ang isang kasunduan to lease to them the vast territory of the Sultan of Sulu in North Borneo. The two sold the lease to the British government without the knowledge and consent of the Sultan of Sulu.
Sila ang naging bahagi ng masalimuot na pangyayari kung paano nagkaroon ng lease agreement ang British North Borneo Company at Sultan ng Sulu sa Hilagang Borneo na ngayon ay kilala bilang Sabah. Itinatag ni William Pryor ang Sandakan upang maging kapitolyo at sentro sa administrasyon ng kumpanya.
Habang nag-aaral sa Europa, sinadya ni Rizal si William Pryor at kinaibigan. Inilahad niya kay Pryor ang isang panukala at programa upang magkaroon ng Filipino
Farming Community in North Borneo. Sumang-ayon si Pryor sa paglipat ng buong pamilya ni Rizal, kaanak, at kababayan sa Calamba tungo sa Hilagang Borneo.
Nagsadya si Rizal sa Sandakan. Pormal na nilagdaan ni Pryor at ilang Briton doon ang isanglease agreement. 5,000 hektaya na piling lupain sa North Borneo ang inilaan upang sakahin ng mga taga-Calamba. Pangunahing pananim ang palay, gulay, at ibang halaman. Itatatag “Ang Bagong Calamba” – isang pamayanang Pilipino doon. Wala munang renta sa unang tatlong taon. Sa ika-apat na taon magsisimula ang gradwal at liberal na butaw at karampatang upahan sa sakahan. Pangarap ni Rizal na mailayo sa kaapihan ang kanyang pamilya at kababayan sa kamay ng mga kastila bunsod ng Calamba Land Dispute (1885-1891). Sa kasunduang ito tuluyang makakawala sila sa gapos ng pagkaapi. Makikilala “Ang Bagong Calamba” – isang maunlad, tahimik, masaganang pamayanang Pilipino sa Hilagang Borneo. Agad lumihan si Rizal sa Gobernador General ng Espanya sa Pilipinas. Hiniling ang aprubal ng kanyang programa na magtatag ng isang Filipino Farming Community in North Borneo. Tatawagin itong “El Nueva Calamba.”
Masusing pinag-aralan ng kinauukulan ang liham ni Rizal at kagyat na inaksyunan. DISAPROBADO. Ang migration o pag-likas ng mamamayan ng Calamba tungo sa North Borneo, kahit bahagi pa rin ito ng Pilipinas bilang teritoryo ng Sultan ng Sulu, ay malaking kahihiyan ang idudulot sa gobyernong kolonyal ng Espanya. Magpapakita ito sa buong mundo ng katotohanan.Napagalaman na kumilos agad noon ang Spanish colonial authorities. “They pressured the British North Borneo Company, the corporation founded to administer the leased North Borneo from the Sultan of Sulu to withdraw the agreement between Pryor and Rizal.” Malinaw na nakasaad ang nabigong pangarap na iyan sa siniping bahagi ng ilan sa kaniyang mga liham: (English excepts below)
1. Letter to Blumentrit, Hongkong, 23 February 1892. Epistolario Rizalino, V, Part II, No. 105, pp. 637-638.
In Borneo I shall not be a planter but the leader of the planters who are thinking of emigration there with me . . . . . If it is impossible for me to give freedom to my country, at least I should like to give it to these noble compatriots in other lands. So I am thinking of emigrating to North Borneo. There are vast fields over there where we can found a new Calamba. When the exiles and persecuted have found an asylum in Borneo, then I shall write in peace and shall be able to look towards the future, if not happy at least consoled.
2. Letter to the Governor and Captain General of the Philippine Islands, Hongkong, 21 March 1892. Epistolario Rizalino, III, No. 527, pp. 306-307
. . . I have the intention of founding a colony in North Borneo on the land which that State offers me and where there are already found many Filipinos. If those who can make my country happy believe that my presence and that of my friends and relatives are prejudicial to the peace of the Philippines, so much so that they are obliged to resort to violent means, always and oftentimes unjust, such as deportation and exile, we have no inconvenience in exiling ourselves forever, accepting the offer of the English Government. In this case, I request Your Excellency to grant us the necessary permission to change our nationality, to sell our little property that has been left to us by many disturbances that we have had, and to guarantee the emigration of all those who, for some reason or other, have incurred the animadversion of more or less powerful persons who will remain in the Philippines even after Your Excellency’s administration
3. Letter to his parents and brother, Manila, 29 June 1892. Epistolario Rizalino, V, Part II, No. 108, pp. 647-648.
The General (Governor General Eulogio Despujol) by no means wants us to go to Borneo, but I made it known to him that our situation was very painful. He promises to give us lands a league or half a league or two from Calamba, on any island that we want, but he does not like the Borneo plan.
“Ang Bagong Calamba” na pangarap ni Rizal ay tunay na isang mapait na kabiguan. Kabiguang nalibing sa huling hantungan ng kaniyang makulay na buhay. Nalibing kasama ng iba pang mabunying pangarap para sa bayan ng Calamba, para sa kababayan, para sa buong sambayanang Pilipino. Sa araw na ito ay nagpupugay ang buong bansa sa iyong kadakilaan, kabayanihan, ka-apihan at kabiguan Lolo Pepe - Gat Jose Rizal.
No comments:
Post a Comment