(Original stairs of ancestral home of a great Hero General Vicente Lim)
ISANG PAGPUPUGAY KAY HENERAL VICENTE LIM, DANGAL NG SALING LAHI NG CALAMBA, ISINILANG IKA-24 NANG PEBRERO 1888.
Kapag kampo militar ang pag-uusapan sa lalawigan ng Laguna, Camp Vicente Lim sa Canlubang ang unang sasagi sa ating kaalaman, ala-ala at kaisipan.
Maging sa Philippine Military Academy sa Baguio City isang bulwagang gusali – General Vicente Lim Hall – ang matatag na nakatayo dito at habang buhay na makikintal sa diwa’t isip ng mga mag-aaral at turistang dumarayo sa lungsod ng pino. Sa tapat ng gusali ay nakatayo ang isang bantayog ng magiting na Heneral.
Sa Calamba matatagpuan naman ang “HAGDANANG WALANG TAHANAN.” Ito ay dating tahanan ng isa pang bayani ng lahi, sa kalye Del Pilar ilang daang-hakbang lamang buhat sa Dambana ni Rizal. Sa dati’y marangyang tahanang ito, na sinira ng kalikasan sa paglipas nang panahon, isinilang si Heneral Vicente Lim.
“Dalawang matinding bagyo na signal #4 noong dekada 1980 ang nagpagiba sa bahay na ito,” ayon kay Aling Belen Pablo ang caretaker mula 1971 hanggang 2004. Taong 1982 nang maglagay ng isang marker o monumento sa bakurang ito, dagdag ni Aling Belen. At sinabi n’ya sa akin na si Gng. Lulu Rillo, apo ng Heneral, ang dapat kapanayamin.
Isang LandMarker ukol sa Heneral makapasok ng bakuran ang bubulaga at tatawag pansin sa sino mang gagawi sa pook na ito, bilang pag-gunita sa kanyang kabayanihan. Malinaw na nakatitik ang pagpupugay sa isa pang tunay na bayaning isinilang sa Calamba:
“NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE
1982
IPINANGANAK SA CALAMBA, LAGUNA NOONG PEBRERO 24, 1888 KINA JOSE LIM AT ANTONIA PODICO. KAWAL. MAKABAYAN. ISA SA MGA NAGTATAG NG BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES AT UNANG PILIPINONG NAG-ARAL SA UNITED STATES MILITARY ACADEMY SA
“NAMUNONG HENERAL, IKA-41 DIBISYON NG IMPANTERIYA NOONG 1941; NAKALIGTAS SA DEATH MARCH; NAGTATAG NG PANGKAT NG GERILYA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG; NABIHAG NG PATRULYANG HAPONES SA BAYBAYIN NG MINDORO; IBINILANGGO SA KUTANG SANTIAGO AT PAGKARAAN AY BINARIL SA SEMENTERYONG INTSIK NOONG 1944.
“PAGKARAANG MAMATAY PINAGKALOOBAN NG MGA MEDALYANG DISTINGUISHED CONDUCT STAR, DISTINGUISHED SERVICE STAR AT DISTINGUISHED LONG SERVICE STAR AT GINAWARAN NG RANGGONG HENERAL NA MAY TATLONG BITUIN. BILANG PARANGAL ANG HIMPILAN NG KONSTABULARYA NG PILIPINAS SA CANLUBANG, LAGUNA, AY IPINANGALAN SA KANYA.”
Vicente Lim, isang bayani. Makabayan. Sundalo. Mula pinakamababang ranggo, umakyat bilang Heneral sa US Army – isang gawang katangi-tangi na di pa napapantayan ng sino mang Filipino officer. Nagdaan sa mataas na pagsasanay bilang opisyal na nagtapos sa West Point kung saan hinubog na buong-buo sa kaalamang militar, tugma sa tawag ng tungkulin para sa inang bayan. Ibinuwis ang buhay bilang katuparan ng moto: “duty, honor and country.” Tungkulin, dangal at lupang tinubuan.
Lahing Intsik ang kanyang ama, may lupain at nakaririwasa. Gayundin ang kanyang Filipinang ina, supling buhat sa angkan ng mangangalakal.
Nagkamalay at lumaki noong panahong ang pamilya ni Rizal at iba pa sa Calamba ay masidhing pinaguusig ng Kastila bunga ng alitang agraryo sa pagitan ng mga magsasaka at paring Dominikano.
Batay sa maikling panayam Setyembre 6, 2003 sa paboritong apo ni Heneral Lim, Gng. Lourdes “Lulu” Rillo, 67, nakintal sa kanyang murang isip noon “na sa tuwing papasyal sa matandang bahay si Lolo Vicente ay kumpleto uniporme at ako ay karga-karga, kinakalong. Nakatira kami noon ng aking Lola Olympia Lim-Rillo sa matandang bahay (likod-bahay namin ngayon).”
Ayon kay Lulu, ang iba pang kapatid ng Heneral bukod sa kanyang Lola Olympia ay sina Basilisa Lim-Quisumbing (unang asawa ng yumaong Eduardo A. Quisumbing, National Scientist) at Joaquin Lim.
“At si Heneral Lim ay marunong ng wikang Intsik (
Ayon naman kay Bb. Corazon “Baby” Rillo (nakababatang kapatid ni Lulu, kasalukuyang bakasyon buhat Amerika) ang kaalaman niya sa buhay ni Heneral Lim ay batay na lamang sa kuwento at pahina ng aklat kasaysayan. Bilang tugon sa aking pananaliksik sa kanilang dugong bayani, isiniwalat n’ya na ang kanilang ninuno sa mother side (Jovita Ochoa) ay buhat naman sa orihinal na pamilya “Bangkain” ng Calamba. At si Pepe Rizal mismo ang siyang isponsor ng ninunong Bangkain sa panliligaw kung saan upang masolo ang dilag na pinipintuho sa pondahan ay pinapakyaw lahat ni Rizal ang paninda sa tindahan ng dalaga.
Hango sa talambuhay, si Heneral Lim ay tahimik na bata ngunit pilyo. Matipuno at may pagka-barumbado sa kilos at ugali. Mahilig maglaro ng patas (isang katutubong toy gun), patintero at iba pang aktibong laro. Nagtapos ng primarya sa Calamba; intermidyet sa Tanauan, Batangas at hay iskul sa Sta. Cruz, Laguna. Nag-enrol sa Liceo de Manila bago pumasok sa Philippine Normal School taong 1908. Pagkatapos ay tagumpay na nakalusot sa entrans eksaminasyon para sa kadete sa US Military Academy. Ipinadala siya sa
Komisyonado bilang segunda tinyente at naglalakbay sa Europa nang sumiklab ang unang digmaang pandaigdig. Nagpatuloy sa kanyang lakbay-rota
Promoted na primera tinyente Abril 12, 1914 sa Philippine Scouts, US Army. Fort San Pedro,
Sa PMA n’ya nakilala ang nakalulugod at magandang bakasyunista, isang instraktor sa matematiks sa Unibersidad ng Pilipinas – Pilar Hidalgo, buhat sa isang mariwasang pamilya ng Boac, Marinduque. Agosto 12, 1917 idinaos ang unang military wedding at the metropolitan Quiapo Catholic Church sa kasal ni Heneral Vicente Lim at Binibining Pilar Hidalgo.
Sa madaling panahon, dahil sa mahusay na pagganap sa tungkulin iniangat si Lim sa mahahalagang pwestong higit na mabigat ang naka-atang na pananagutan. Ipinadala sa Jolo, Sulu; sa baraks sa Zamboanga; at sa
1926 tumulak patungong Amerika at nag-enrol sa
Bumalik sa Pilipinas si Major Lim at napromowt Nobyembre 1, 1929 bilang Lieutenant Colonel nang siya ay Commandant of the ROTC Unit in the College of San Jan de Letran. He was already a full-fledged Colonel in 1935 prior to his retirement on June 30, 1936.
Dahil sa kanyang treyning, ekspiryens at makinang na rekord militar, tinawag si Lim na maglingkod sa Philippine Army ng Gobyernong Komonwelt bilang Chief of the War Plans Division, with the rank of Brigadier General.
Tadhana ng Diyos marahil na ang pamilya ni Lim ay naiwasan ang pagkapugnaw sa giyera (holocaust of war). Gradweysyon ng anak na si Roberto sa Merchant Marine Academy at Annapolis, Maryland kaya noong Mayo, 1941 ay tumulak si Ginang Lim kasama ang ibang anak patungong Amerika. Ito rin ang pagkakataong ipahospital ang may poliong anak na si Eulalia at madalaw ang anak na si Luis na nag-aaral sa Massachussetts Institute of Technology. Nang sumabog ang giyera Disyembre, 1941 nasa PMA,
Pinatunayan ni Heneral Lim ang katapangan at kagalingan sa pamumuno sa madugong labanan sa makasaysayang pagbagsak ng
Matapos makalaya buhat sa Concentration Camp sa Capas, Tarlac, pumasok siya sa Canser Institute, Philippine General Hospital, hindi upang magpagaling kundi upang magtatag ng lihim na pagkilos laban sa pamahalaang Hapones. Sa pagkukunwang maysakit at sa pakikipag-ugnayan
Di nagtagal inialok kay Heneral Lim, sa pamamagitan ni Senador Benigno Aquino, ang pagiging Chief of Staff of the Japanese Imperial Forces. Tinanggihan ito ng Heneral sapagkat
Bandang Hunyo, 1944, sina Heneral Lim, Koronel Antonio Escoda, Emilio Borromeo, Pedro Manalo, Bienvenido Rillo, Jose Mariano, Pedro Villena at Ramon Roque ay naglayag buhat Talaga, Tanauan, Batangas. Sila ay patungo kunwari sa Boac, Marinduque. Ang totoo sasanib sila sa organisasyon ng gerilya sa
Si Heneral Lim ay tunay na istrikto at disiplinaryan. Nais n’yang igawad ng mga tauhan ang pinakamataas na pag-galang sa isa’t-isa. Kinilala sa kanyang husay sa palakad at pagpapatupad ng tungkulin sa pagsasanay ng mga tauhan. Matapat. Episyente. Masigasig. Isa siyang mahalagang kaagapay sa pagpapatupad ng kapangyarihang sibil.
Bilang sundalo, paniwala n’ya na ang lakas ng bansa ay nakasalalay sa pambansang karakter, na ang pagka-makabayan ay katangiang moral na dapat isa-puso ng bawa’t mamamayan at ligayang taglayin higit sa lahat ang tunay na damdaming ipaglaban ang inang bayan.
Isang mapagmahal na ama si Heneral Lim. Kasiyahan n’ya ang pagluluto at mahilig sa pagkain; mahilig humithit ng tabako tuwina; mahilig din sa poker at bridge at malimit kalaro nina Heneral Eisenhower at Heneral McArthur sa panahon ng kanilang tour of duty sa Pilipinas. At tuwing mananalo sa kanilang card games, bumibili siya ng telang pandamit o ibang bagay para lamang sa kanyang maybahay.
For gallantry in action and his valuable service to the nation, he was the recipient of military medals of which three were posthumously awarded: The Distinguished Conduct Star Medal, Distinguished Service Star Medal and The Long Service Medal for completion of thirty-five years, eight months and eight days prior to his posthumous retirement in November, 1945.
Ang huling mensahe ni Heneral Lim sa kanyang pamilya ay ganito: PLEASE TELL MY FAMILY THAT I HAVE NOT TARNISHED THE WEST POINT MOTTO: DUTY, HONOR, COUNTRY.
Naiwan n’yang buhay ang kanyang maybahay, Gng. Pilar Hidalgo-Lim, naging pangulo ng
Bilang walang kupas na pag-ala-ala sa magiting na kawal, ang Ika-lawang PC Zone Headquarters sa Canlubang, Laguna ay pinangalanang CAMP VICENTE LIM.
Sa kabila ng lahat ng kabayanihan ni Heneral Lim, ang kanya mismong duyang-tahanan sa Calamba ay napabayaan. Naluma at nagkasira-sira sa paglipas ng mga taon hanggang sa pagpasok ng 2004 ay tuluyan nang nawala sa lupa. Naiwan na lamang ang matibay na hagdanan ng tahanan.
Sayang na tahanang sinilangan man din ng isa pang tunay na bayani ng Calamba. Ito
Huli na kaya sa panahon ang lahat para sa isang Restoration Project?
May magagawa kayang hakbang ang Pamahalaang Lungsod ng Calamba upang maibalik sa dating anyo ang “HAGDANANG WALANG TAHANAN:” The ancestral home of a great hero?
Sa aking palagay ay kayang isakatuparan ito kung mayroon lamang dugong maka-bayan ang nasa Pamunuan ng Lungsod at kaloobang politikal upang isulong ang Restoration Project na ito.
Malaki ang dapat kitain ng kabang lungsod buhat sa maunlad na pamayanan, kalakalan, ilang Industrial estates and International Commercial Parks sa buong nasasakupan ng Calamba (9). Hindi hadlang ang pananalapi ng pamahalaan kung tamang nalilikom at nasa ayos ang pondo ng kabang lungsod.
Sa pakikipagugnayan sa Office of the President, Department of Tourism, and Department of Education, Culture and Sports, and both houses of Congress, gayun din sa mga kaangkan ng yumaong Heneral, dagdag pondo ang malilikom at iba pang tulong gaya ng Memorabilia ng yumao na dapat kaagapay sa katuparan ng panukalang ito.
Maitatayo ang “GENERAL VICENTE LIM SHRINE” - “DAMBANA NI HENERAL VICENTE LIM.”
Mawawala ang di kaaya-ayang pagmasdang tanawin – “HAGDANANG WALANG TAHANAN” – Ancestral Home pa man din ng isang magiting na bayaning Calambeño.
Sa tulong ng DECS, daragsa ang maraming lakbay-aral at turista sa lungsod ng Calamba, sapagkat sa halip na “DAMBANA NI RIZAL” lamang, ay mapapasok pa nila ang isa pang makasaysayang tahanan – ang “DAMBANA NI HENERAL VICENTE LIM.”
Isang pagpupugay ni Lolo Ome sa isang magiting na sundalo, kauna-unahang Pilipinong nagtapos sa U.S. Military Academy sa
Dalangin ko ang magkaroon ng katuparan ang panukalang ito; kundi man para sa ating nalalabing panahon, manapa’y sa susunod pang mga henerasyon
No comments:
Post a Comment