Saturday, January 29, 2011

“HAGDANANG WALANG TAHANAN”

(Original stairs of ancestral home of a great Hero General Vicente Lim)

ISANG PAGPUPUGAY KAY HENERAL VICENTE LIM, DANGAL NG SALING LAHI NG CALAMBA, ISINILANG IKA-24 NANG PEBRERO 1888.

Kapag kampo militar ang pag-uusapan sa lalawigan ng Laguna, Camp Vicente Lim sa Canlubang ang unang sasagi sa ating kaalaman, ala-ala at kaisipan.

Maging sa Philippine Military Academy sa Baguio City isang bulwagang gusali – General Vicente Lim Hall – ang matatag na nakatayo dito at habang buhay na makikintal sa diwa’t isip ng mga mag-aaral at turistang dumarayo sa lungsod ng pino. Sa tapat ng gusali ay nakatayo ang isang bantayog ng magiting na Heneral.

Sa Calamba matatagpuan naman ang “HAGDANANG WALANG TAHANAN.” Ito ay dating tahanan ng isa pang bayani ng lahi, sa kalye Del Pilar ilang daang-hakbang lamang buhat sa Dambana ni Rizal. Sa dati’y marangyang tahanang ito, na sinira ng kalikasan sa paglipas nang panahon, isinilang si Heneral Vicente Lim.

“Dalawang matinding bagyo na signal #4 noong dekada 1980 ang nagpagiba sa bahay na ito,” ayon kay Aling Belen Pablo ang caretaker mula 1971 hanggang 2004. Taong 1982 nang maglagay ng isang marker o monumento sa bakurang ito, dagdag ni Aling Belen. At sinabi n’ya sa akin na si Gng. Lulu Rillo, apo ng Heneral, ang dapat kapanayamin.

Isang LandMarker ukol sa Heneral makapasok ng bakuran ang bubulaga at tatawag pansin sa sino mang gagawi sa pook na ito, bilang pag-gunita sa kanyang kabayanihan. Malinaw na nakatitik ang pagpupugay sa isa pang tunay na bayaning isinilang sa Calamba:

“NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE

1982

HENERAL VICENTE LIM 1888-1944”

IPINANGANAK SA CALAMBA, LAGUNA NOONG PEBRERO 24, 1888 KINA JOSE LIM AT ANTONIA PODICO. KAWAL. MAKABAYAN. ISA SA MGA NAGTATAG NG BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES AT UNANG PILIPINONG NAG-ARAL SA UNITED STATES MILITARY ACADEMY SA WEST POINT, NEW YORK. IKINASAL KAY PILAR HIDALGO KILALANG EDUKADOR AT MAPAGKAWANGGAWA.

“NAMUNONG HENERAL, IKA-41 DIBISYON NG IMPANTERIYA NOONG 1941; NAKALIGTAS SA DEATH MARCH; NAGTATAG NG PANGKAT NG GERILYA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG; NABIHAG NG PATRULYANG HAPONES SA BAYBAYIN NG MINDORO; IBINILANGGO SA KUTANG SANTIAGO AT PAGKARAAN AY BINARIL SA SEMENTERYONG INTSIK NOONG 1944.

“PAGKARAANG MAMATAY PINAGKALOOBAN NG MGA MEDALYANG DISTINGUISHED CONDUCT STAR, DISTINGUISHED SERVICE STAR AT DISTINGUISHED LONG SERVICE STAR AT GINAWARAN NG RANGGONG HENERAL NA MAY TATLONG BITUIN. BILANG PARANGAL ANG HIMPILAN NG KONSTABULARYA NG PILIPINAS SA CANLUBANG, LAGUNA, AY IPINANGALAN SA KANYA.”

Sa tilamsik ng kasaysayan sa National Historical Institute, dagdag kaalaman sa buhay at kamatayan ni Heneral Vicente Lim ang ibabahagi ngayon ni Lolo Ome, aka Roman Romeo G. Nagpala of Calamba, Laguna.

Vicente Lim, isang bayani. Makabayan. Sundalo. Mula pinakamababang ranggo, umakyat bilang Heneral sa US Army – isang gawang katangi-tangi na di pa napapantayan ng sino mang Filipino officer. Nagdaan sa mataas na pagsasanay bilang opisyal na nagtapos sa West Point kung saan hinubog na buong-buo sa kaalamang militar, tugma sa tawag ng tungkulin para sa inang bayan. Ibinuwis ang buhay bilang katuparan ng moto: “duty, honor and country.” Tungkulin, dangal at lupang tinubuan.

Lahing Intsik ang kanyang ama, may lupain at nakaririwasa. Gayundin ang kanyang Filipinang ina, supling buhat sa angkan ng mangangalakal.

Nagkamalay at lumaki noong panahong ang pamilya ni Rizal at iba pa sa Calamba ay masidhing pinaguusig ng Kastila bunga ng alitang agraryo sa pagitan ng mga magsasaka at paring Dominikano.

Batay sa maikling panayam Setyembre 6, 2003 sa paboritong apo ni Heneral Lim, Gng. Lourdes “Lulu” Rillo, 67, nakintal sa kanyang murang isip noon “na sa tuwing papasyal sa matandang bahay si Lolo Vicente ay kumpleto uniporme at ako ay karga-karga, kinakalong. Nakatira kami noon ng aking Lola Olympia Lim-Rillo sa matandang bahay (likod-bahay namin ngayon).”

Ayon kay Lulu, ang iba pang kapatid ng Heneral bukod sa kanyang Lola Olympia ay sina Basilisa Lim-Quisumbing (unang asawa ng yumaong Eduardo A. Quisumbing, National Scientist) at Joaquin Lim.

“At si Heneral Lim ay marunong ng wikang Intsik (Macao) tulad ng kanyang Lola. Dahil ayon sa kaugalian noon ng mga purong Intsik na nakaririwasang ama, ang mga supling nila sa Pilipinas in their early childhood ay dapat mamuhay ng ilang panahon sa mainland China upang matutunan ang wika at kulturang Intsik,” dagdag pa ni Lulu.

Ayon naman kay Bb. Corazon “Baby” Rillo (nakababatang kapatid ni Lulu, kasalukuyang bakasyon buhat Amerika) ang kaalaman niya sa buhay ni Heneral Lim ay batay na lamang sa kuwento at pahina ng aklat kasaysayan. Bilang tugon sa aking pananaliksik sa kanilang dugong bayani, isiniwalat n’ya na ang kanilang ninuno sa mother side (Jovita Ochoa) ay buhat naman sa orihinal na pamilya “Bangkain” ng Calamba. At si Pepe Rizal mismo ang siyang isponsor ng ninunong Bangkain sa panliligaw kung saan upang masolo ang dilag na pinipintuho sa pondahan ay pinapakyaw lahat ni Rizal ang paninda sa tindahan ng dalaga.

Hango sa talambuhay, si Heneral Lim ay tahimik na bata ngunit pilyo. Matipuno at may pagka-barumbado sa kilos at ugali. Mahilig maglaro ng patas (isang katutubong toy gun), patintero at iba pang aktibong laro. Nagtapos ng primarya sa Calamba; intermidyet sa Tanauan, Batangas at hay iskul sa Sta. Cruz, Laguna. Nag-enrol sa Liceo de Manila bago pumasok sa Philippine Normal School taong 1908. Pagkatapos ay tagumpay na nakalusot sa entrans eksaminasyon para sa kadete sa US Military Academy. Ipinadala siya sa West Point taong 1910 bilang pensyunado ng gobyerno. Nagtapos sa West Point 1914, isang taon ang una niya kay General Dwight Eisenhower. “Cannibal” ang naging bansag sa kaniya sa panahon ng pag-aaral sa Amerika.

Komisyonado bilang segunda tinyente at naglalakbay sa Europa nang sumiklab ang unang digmaang pandaigdig. Nagpatuloy sa kanyang lakbay-rota lagos sa Rusya sakay sa Trans-Siberian Railway at nakabalik siya sa Pilipinas.

Promoted na primera tinyente Abril 12, 1914 sa Philippine Scouts, US Army. Fort San Pedro, Iloilo ang una niyang destino; nalipat sa Fort Millas, Corregidor, 1916. At di nagtagal ay ipinadala bilang instraktor sa Philippine Military Academy, Baguio, Mt. Province.

Sa PMA n’ya nakilala ang nakalulugod at magandang bakasyunista, isang instraktor sa matematiks sa Unibersidad ng Pilipinas – Pilar Hidalgo, buhat sa isang mariwasang pamilya ng Boac, Marinduque. Agosto 12, 1917 idinaos ang unang military wedding at the metropolitan Quiapo Catholic Church sa kasal ni Heneral Vicente Lim at Binibining Pilar Hidalgo.

Sa madaling panahon, dahil sa mahusay na pagganap sa tungkulin iniangat si Lim sa mahahalagang pwestong higit na mabigat ang naka-atang na pananagutan. Ipinadala sa Jolo, Sulu; sa baraks sa Zamboanga; at sa Fort McKinley, Rizal. Bilang pagkilala sa kanyang galing sa pagtupad sa serbisyo, napromowt si Lim na Kapitan Disyembre 18, 1922; at Major April 24, 1923 habang kasapi sa Far Eastern Games in Osaka, Japan.

1926 tumulak patungong Amerika at nag-enrol sa Infantry School, Fort Benning, Georgia for advance military training at nagtapos 1927. Nag-aral din si Lim sa Command and Staff School at Fort Leavenworth, Kansas, where he graduated in 1928; later he took higher courses in the Army War College at Washington D. C. and finished in 1929.

Bumalik sa Pilipinas si Major Lim at napromowt Nobyembre 1, 1929 bilang Lieutenant Colonel nang siya ay Commandant of the ROTC Unit in the College of San Jan de Letran. He was already a full-fledged Colonel in 1935 prior to his retirement on June 30, 1936.

Dahil sa kanyang treyning, ekspiryens at makinang na rekord militar, tinawag si Lim na maglingkod sa Philippine Army ng Gobyernong Komonwelt bilang Chief of the War Plans Division, with the rank of Brigadier General.

Tadhana ng Diyos marahil na ang pamilya ni Lim ay naiwasan ang pagkapugnaw sa giyera (holocaust of war). Gradweysyon ng anak na si Roberto sa Merchant Marine Academy at Annapolis, Maryland kaya noong Mayo, 1941 ay tumulak si Ginang Lim kasama ang ibang anak patungong Amerika. Ito rin ang pagkakataong ipahospital ang may poliong anak na si Eulalia at madalaw ang anak na si Luis na nag-aaral sa Massachussetts Institute of Technology. Nang sumabog ang giyera Disyembre, 1941 nasa PMA, Baguio si Vicente, Jr. at ipinadala sa San Francisco kaanib sa Pwersa ng Alyado. Si Heneral Lim ang siyang naiwan sa Pilipinas bilang Commanding General of the 41st Division, USAFFE.

Pinatunayan ni Heneral Lim ang katapangan at kagalingan sa pamumuno sa madugong labanan sa makasaysayang pagbagsak ng Bataan. Magiting na pinangunahan ang pagtatanggol sa huling hanay laban sa mga kaaway buhat Abucay patungong Bundok Natib. Bagama’t nasasalikupan ng higit na marami at makapangyarihang kaaway at kulang sa kagamitan, si Heneral Lim at kanyang mga tauhan ay matapang na nakihamok sa labanan hanggang sa atasang sumuko Abril 9, 1942.

Matapos makalaya buhat sa Concentration Camp sa Capas, Tarlac, pumasok siya sa Canser Institute, Philippine General Hospital, hindi upang magpagaling kundi upang magtatag ng lihim na pagkilos laban sa pamahalaang Hapones. Sa pagkukunwang maysakit at sa pakikipag-ugnayan ni Dr. Gregorio Lanting at sa tulong ng mga narses sa Infirmary, nakuhang ipahatid sa kasamahang gerilya ang mahalagang impormasyon.

Di nagtagal inialok kay Heneral Lim, sa pamamagitan ni Senador Benigno Aquino, ang pagiging Chief of Staff of the Japanese Imperial Forces. Tinanggihan ito ng Heneral sapagkat noon siya ang Kumander ng Fil-American Regular Troops, with the assumed name, Edmund P. Ellsworth.

Bandang Hunyo, 1944, sina Heneral Lim, Koronel Antonio Escoda, Emilio Borromeo, Pedro Manalo, Bienvenido Rillo, Jose Mariano, Pedro Villena at Ramon Roque ay naglayag buhat Talaga, Tanauan, Batangas. Sila ay patungo kunwari sa Boac, Marinduque. Ang totoo sasanib sila sa organisasyon ng gerilya sa Samar at buhat Bisaya ay sasakay sa submarino tungong Australya. Kumpleto ang grupo sa pases. Handa at nasa-ayos ang lahat. Subali’t nahuli nang dating ang kanilang radiomen kaya sumala sa tamang oras ng agos ng dagat ang kanilang paglalayag upang sana ay naging mabilis ang biyahe tungong Marinduque. Nasabat sila sa baybayin ng Mindoro ng patrulyang nabal Hapones. Natuklasan ang mga nakatagong baril, armas, radio at transmitter at pinaghinalaan silang gerilya. Dinala sila sa Calapan, Oryental Mindoro, nakilala at ikinulong. Tapos ay ipiniit sa Fort Santiago, Manila. Kahit pinahirapan at binugbog sa kulungan ay hindi nila isiniwalat ang mga kasapi at ano mang impormasyon ng gerilya organisasyon. Matapos ang ibayo pang parusa, inilipat sila sa Bilibid compownd sa Azcarraga (Claro M. Recto ngayon) bago tuluyang isinama sa mga pinatay ng Hapones sa sementeryong Intsik taon 1944.

Si Heneral Lim ay tunay na istrikto at disiplinaryan. Nais n’yang igawad ng mga tauhan ang pinakamataas na pag-galang sa isa’t-isa. Kinilala sa kanyang husay sa palakad at pagpapatupad ng tungkulin sa pagsasanay ng mga tauhan. Matapat. Episyente. Masigasig. Isa siyang mahalagang kaagapay sa pagpapatupad ng kapangyarihang sibil.

Bilang sundalo, paniwala n’ya na ang lakas ng bansa ay nakasalalay sa pambansang karakter, na ang pagka-makabayan ay katangiang moral na dapat isa-puso ng bawa’t mamamayan at ligayang taglayin higit sa lahat ang tunay na damdaming ipaglaban ang inang bayan.

Isang mapagmahal na ama si Heneral Lim. Kasiyahan n’ya ang pagluluto at mahilig sa pagkain; mahilig humithit ng tabako tuwina; mahilig din sa poker at bridge at malimit kalaro nina Heneral Eisenhower at Heneral McArthur sa panahon ng kanilang tour of duty sa Pilipinas. At tuwing mananalo sa kanilang card games, bumibili siya ng telang pandamit o ibang bagay para lamang sa kanyang maybahay.

For gallantry in action and his valuable service to the nation, he was the recipient of military medals of which three were posthumously awarded: The Distinguished Conduct Star Medal, Distinguished Service Star Medal and The Long Service Medal for completion of thirty-five years, eight months and eight days prior to his posthumous retirement in November, 1945.

Ang huling mensahe ni Heneral Lim sa kanyang pamilya ay ganito: PLEASE TELL MY FAMILY THAT I HAVE NOT TARNISHED THE WEST POINT MOTTO: DUTY, HONOR, COUNTRY.

Naiwan n’yang buhay ang kanyang maybahay, Gng. Pilar Hidalgo-Lim, naging pangulo ng Centro Escolar University hanggang abutin nang kamatayan taong 1974. Naulila niya ang mga anak na sina: Luis, Chemical Engineer, namatay sa pagbagsak ng eroplano sa Bislig, Surigao dekada 1980; Captain Roberto Lim, naval graduate at Executive of the Philippine Aerospace Development Center; Vicente, PMA graduate, executive sa Pulp and Paper Corporation; Father Patricio Lim, Rector sa Guadalupe Minor Seminary; Eulalia, Executive of Mondragon Industries; at Gng. Maria L. Ayuyao, Vice-President Student Affairs, Centro Escolar University.

Bilang walang kupas na pag-ala-ala sa magiting na kawal, ang Ika-lawang PC Zone Headquarters sa Canlubang, Laguna ay pinangalanang CAMP VICENTE LIM.

Sa kabila ng lahat ng kabayanihan ni Heneral Lim, ang kanya mismong duyang-tahanan sa Calamba ay napabayaan. Naluma at nagkasira-sira sa paglipas ng mga taon hanggang sa pagpasok ng 2004 ay tuluyan nang nawala sa lupa. Naiwan na lamang ang matibay na hagdanan ng tahanan.

Sayang na tahanang sinilangan man din ng isa pang tunay na bayani ng Calamba. Ito sana ay isa ring Dambana ng Bayani na dinarayo ngayon ng mga turista kung ito ay napanatili sa orihinal na kaayusan.

Huli na kaya sa panahon ang lahat para sa isang Restoration Project?

May magagawa kayang hakbang ang Pamahalaang Lungsod ng Calamba upang maibalik sa dating anyo ang “HAGDANANG WALANG TAHANAN:” The ancestral home of a great hero?

Sa aking palagay ay kayang isakatuparan ito kung mayroon lamang dugong maka-bayan ang nasa Pamunuan ng Lungsod at kaloobang politikal upang isulong ang Restoration Project na ito.

Malaki ang dapat kitain ng kabang lungsod buhat sa maunlad na pamayanan, kalakalan, ilang Industrial estates and International Commercial Parks sa buong nasasakupan ng Calamba (9). Hindi hadlang ang pananalapi ng pamahalaan kung tamang nalilikom at nasa ayos ang pondo ng kabang lungsod.

Sa pakikipagugnayan sa Office of the President, Department of Tourism, and Department of Education, Culture and Sports, and both houses of Congress, gayun din sa mga kaangkan ng yumaong Heneral, dagdag pondo ang malilikom at iba pang tulong gaya ng Memorabilia ng yumao na dapat kaagapay sa katuparan ng panukalang ito.

Maitatayo ang “GENERAL VICENTE LIM SHRINE” - “DAMBANA NI HENERAL VICENTE LIM.”

Mawawala ang di kaaya-ayang pagmasdang tanawin – “HAGDANANG WALANG TAHANAN” – Ancestral Home pa man din ng isang magiting na bayaning Calambeño.

Sa tulong ng DECS, daragsa ang maraming lakbay-aral at turista sa lungsod ng Calamba, sapagkat sa halip na “DAMBANA NI RIZAL” lamang, ay mapapasok pa nila ang isa pang makasaysayang tahanan – ang “DAMBANA NI HENERAL VICENTE LIM.”

Isang pagpupugay ni Lolo Ome sa isang magiting na sundalo, kauna-unahang Pilipinong nagtapos sa U.S. Military Academy sa West Point at isang Dakilang Bayani ng Bayan.

Dalangin ko ang magkaroon ng katuparan ang panukalang ito; kundi man para sa ating nalalabing panahon, manapa’y sa susunod pang mga henerasyon

“ANG BAGONG CALAMBA” -

(Note: As an aftermath of the so-called Calamba Land Dispute (1885-1891) – tenant farmers uprising against the imposition of higher tribute/tax by Dominican friars – Rizal dreamt of founding a new Calamba, as a colony of his family’s tenants, relatives, other farmers, and friends. Following is Lolo Ome’s tribute to our esteemed hero whose death anniversary the nation commemorates 30th December. This tribute is in Pilipino.)



Tuwing ika-30 nang Disyembre ay ipinagluluksa ng sambayanang Pilipino ang kamatayan ng dangal ng ating saling lahi – Gat Jose Rizal. Kasabay sa pagluluksa ang pagdiriwang at pag-gunita sa kanyang kabayanihan; gayundin ang kamatayan ng maraming niyang mga pangarap. Isa sa pangararap na iyan ay itatag “Ang Bagong Calamba.

Hindi po ang ating bagong Lungsod ng Calamba sa bagong milenyo ngayon. Sa halip ay “Ang Bagong Calamba:” Hindi sa Pilipinas na sakop ng kahariang Espanya noon, kundi sa lupain ng Hilagang Borneo (kilala bilang Sabah ngayon).

Batay sa ulat ng ilang historians ang Sultan ng Brunei ay isa ring Pilipino. Dahil kaibigang matalik, tinulungan siya ng Sultan ng Sulu sa pag-gapi sa isang rebelyon sa Brunei. At bilang pagtanaw ng utang na loob, iginawad na gantimpala ng sultan ng Brunei ang pagmamay-ari sa teritoryo ng hilagang Borneo sa Sultan ng Sulu.

1871 naganap ang pormal na pagliliwat kapangyarihan sa teritoryo. Mula noon ang Sultan ng Sulu ang maykapangyahan, pagmamay-ari, at hurisdiksyon sa lupaing nabanggit. Ang lupain ng Hilagang Borneo buhat noon ay naging bahagi ng Pilipinas.

1878 nang mapadpad sa Sulu ang dalawang abenturero buhat sa Europa: Oerbeck, isang Aleman, at Dent, isang Briton. Ang mga ito ay tuso at oportunista. Hinikayat nila ang ika-27 Sultan ng Sulu, Jamalul Ablam upang lagdaan ang isang kasunduan to lease to them the vast territory of the Sultan of Sulu in North Borneo. The two sold the lease to the British government without the knowledge and consent of the Sultan of Sulu.

Sila ang naging bahagi ng masalimuot na pangyayari kung paano nagkaroon ng lease agreement ang British North Borneo Company at Sultan ng Sulu sa Hilagang Borneo na ngayon ay kilala bilang Sabah. Itinatag ni William Pryor ang Sandakan upang maging kapitolyo at sentro sa administrasyon ng kumpanya.

Habang nag-aaral sa Europa, sinadya ni Rizal si William Pryor at kinaibigan. Inilahad niya kay Pryor ang isang panukala at programa upang magkaroon ng Filipino

Farming Community in North Borneo. Sumang-ayon si Pryor sa paglipat ng buong pamilya ni Rizal, kaanak, at kababayan sa Calamba tungo sa Hilagang Borneo.

Nagsadya si Rizal sa Sandakan. Pormal na nilagdaan ni Pryor at ilang Briton doon ang isanglease agreement. 5,000 hektaya na piling lupain sa North Borneo ang inilaan upang sakahin ng mga taga-Calamba. Pangunahing pananim ang palay, gulay, at ibang halaman. Itatatag “Ang Bagong Calamba” – isang pamayanang Pilipino doon. Wala munang renta sa unang tatlong taon. Sa ika-apat na taon magsisimula ang gradwal at liberal na butaw at karampatang upahan sa sakahan. Pangarap ni Rizal na mailayo sa kaapihan ang kanyang pamilya at kababayan sa kamay ng mga kastila bunsod ng Calamba Land Dispute (1885-1891). Sa kasunduang ito tuluyang makakawala sila sa gapos ng pagkaapi. Makikilala “Ang Bagong Calamba” – isang maunlad, tahimik, masaganang pamayanang Pilipino sa Hilagang Borneo. Agad lumihan si Rizal sa Gobernador General ng Espanya sa Pilipinas. Hiniling ang aprubal ng kanyang programa na magtatag ng isang Filipino Farming Community in North Borneo. Tatawagin itong “El Nueva Calamba.”

Masusing pinag-aralan ng kinauukulan ang liham ni Rizal at kagyat na inaksyunan. DISAPROBADO. Ang migration o pag-likas ng mamamayan ng Calamba tungo sa North Borneo, kahit bahagi pa rin ito ng Pilipinas bilang teritoryo ng Sultan ng Sulu, ay malaking kahihiyan ang idudulot sa gobyernong kolonyal ng Espanya. Magpapakita ito sa buong mundo ng katotohanan.Napagalaman na kumilos agad noon ang Spanish colonial authorities. “They pressured the British North Borneo Company, the corporation founded to administer the leased North Borneo from the Sultan of Sulu to withdraw the agreement between Pryor and Rizal.” Malinaw na nakasaad ang nabigong pangarap na iyan sa siniping bahagi ng ilan sa kaniyang mga liham: (English excepts below)

1. Letter to Blumentrit, Hongkong, 23 February 1892. Epistolario Rizalino, V, Part II, No. 105, pp. 637-638.

In Borneo I shall not be a planter but the leader of the planters who are thinking of emigration there with me . . . . . If it is impossible for me to give freedom to my country, at least I should like to give it to these noble compatriots in other lands. So I am thinking of emigrating to North Borneo. There are vast fields over there where we can found a new Calamba. When the exiles and persecuted have found an asylum in Borneo, then I shall write in peace and shall be able to look towards the future, if not happy at least consoled.

2. Letter to the Governor and Captain General of the Philippine Islands, Hongkong, 21 March 1892. Epistolario Rizalino, III, No. 527, pp. 306-307

. . . I have the intention of founding a colony in North Borneo on the land which that State offers me and where there are already found many Filipinos. If those who can make my country happy believe that my presence and that of my friends and relatives are prejudicial to the peace of the Philippines, so much so that they are obliged to resort to violent means, always and oftentimes unjust, such as deportation and exile, we have no inconvenience in exiling ourselves forever, accepting the offer of the English Government. In this case, I request Your Excellency to grant us the necessary permission to change our nationality, to sell our little property that has been left to us by many disturbances that we have had, and to guarantee the emigration of all those who, for some reason or other, have incurred the animadversion of more or less powerful persons who will remain in the Philippines even after Your Excellency’s administration

3. Letter to his parents and brother, Manila, 29 June 1892. Epistolario Rizalino, V, Part II, No. 108, pp. 647-648.

The General (Governor General Eulogio Despujol) by no means wants us to go to Borneo, but I made it known to him that our situation was very painful. He promises to give us lands a league or half a league or two from Calamba, on any island that we want, but he does not like the Borneo plan.

“Ang Bagong Calamba” na pangarap ni Rizal ay tunay na isang mapait na kabiguan. Kabiguang nalibing sa huling hantungan ng kaniyang makulay na buhay. Nalibing kasama ng iba pang mabunying pangarap para sa bayan ng Calamba, para sa kababayan, para sa buong sambayanang Pilipino. Sa araw na ito ay nagpupugay ang buong bansa sa iyong kadakilaan, kabayanihan, ka-apihan at kabiguan Lolo Pepe - Gat Jose Rizal.

MYSTERIOUS IS THIS DUHAT TREE

If the housing construction development workers had their way, the over a century-old seemingly dying duhat tree in the fringes of the site would have been uprooted seven years ago in our national hero Jose Rizal’s Calamba. Proof that rapid development in rising urban centers raises the alarm that the country stands to lose trees that took decades to grow and can serve as natural heritage.

Imposing is this duhat tree (Genus Rubus) as tall as the primary-line electric post, with 5-m girth half meter above ground and aged about five scores and a decade more. It survived housing development activities in the urbanizing city where Jose Rizal was born and is qualified as “Heritage Tree.”

Yet, this tree now proudly stands alive and rejuvenated. On season it bears the sweet-and-sour blackberry fruits though much smaller, less-sweeter, and less-succulent than those I personally gathered and tasted when I was then a wandering kid over six decades ago.

Lolo Ome here, now a septuagenarian and native to the shoreline village, has some stories to tell. This duhat tree (blackberry genus Rubus) has been the center of folkloric tales from generations by village folks, farmers, fishermen, and wandering kids who had been hereabouts.

Mystical accounts about this tree and its surroundings had been told since the time of our forebears’. That in the area had lived some rich Chinamen of Limahong ancestry. And villagers had found porcelain China wares, tools, implements, and various other items. Others claimed, kids in particular, to have seen golden mother hen and silver feathered broods of about a dozen roaming around but hid under the tree and disappearing instantly whenever people were thereabouts. Speculations had circulated that hidden treasures abound. And that the farmer tenant in the area got sick and seriously ill when he tried digging for that treasure.

Not gullible to here say, I gathered testimonials by witness-accounts to know facts about the farm land and how mysterious is this duhat tree, indeed.

Calamba Pugad Lawin Past-President Ding Negrillo, 63, purchased a house and lot unit at phase 2A in this subdivision ten meters away from the tree. Ding told me about the stories going around during the road construction beside the tree. Stories I already heard from some reliable village folks (businessman Clodualdo "Boy" Mane, Electrical contractor Luisito Baroro, and once Laguna provincial board member Luis Tanyag). That tractor engines conk out whenever they were almost at the base of the tree to demolish it; and at times the operator got sick according to construction workers.

Asked about such account, Horace G. Bona, the developer’s Project Engineer at the site said he could not confirm it since he also just heard the same story. Bona stated however that “when our old-man, owner-developer Paulo Giovani Olivarez, saw the dying tree he told me to let it be and develop a mini park within its surroundings.” Hence, the mini park is there with the duhat tree to stay. Now the park is in despair, but will soon be repaired.

Bona added that after the mini park was built, the withering tree started blooming, growing abundant leaves and soon rejuvenated and alive; and has now been a fruit-bearing duhat tree once more to the delight of the children around, and adults as well.

That same day Ding and I took pictures of the tree. The duhat tree stands the same height of the primary-line electric pole, higher than the 2-story houses around. I measured its girth half-meter above ground at 5 meters.

Based on the accounts of my father, Atanacio “Apanas” Nagpala, who died in 1982 at the age of 94, this duhat tree existed before start of the 20th century. I surmise therefore that here in our midst stands a qualified “Heritage Tree,” which by now is over a century old at five scores and a decade more.

This assumption was shared and seconded by Iloy “Bagsak” Mamplata, 68, retired Calamba City employee. Mamplata said his father Tinoy “Bagsak” died in 1980 at 99 years old; and accordingly this tree was fruit-bearing since his father’s boyhood.

Mamplata said that long ago for several new years midnight countdowns, he himself among adult peers witnessed mini firework display in the desolated vicinity of this tree. Amazing he said are the sprouting, jumping, rolling multi-colored shooting up mini-lights of yellow gold, silver, and green dancing, rising up to maximum ten feet above ground as they watched from a kilometer distance. This account was confirmed and attested to by retired seaman now fishpond owner Jim Canilan, 62, watching such mini-firelights display from nearer 300 meter distance during his caroling nights. They averred this enchanting phenomenon was gone end of martial law upon the construction of a housing subdivision half kilometer north of the tree.

Both Canilan and Mamplata revealed that treasure hunters operated in that area. In 1970 a group from Talim Island of Rizal Province found voluminous China wares and several antique items. In 1980, Mamplata joined the group from Bai, Laguna and also collected leftover China ware items.

Mang Pacio Mane, 84, narrated that his father Adong “Uwak” was the first tenant farmer of then idle land where this mysterious duhat tree stands since so-called peace time. The original owner of the 2-hectare farm was from San Antonio, Binan, in Laguna – Manabat family. Decades thereafter it was sold to the Aguilar of Calamba. His eldest brother Feliciano “Ising Uwak” was the next tenant, followed by the son Gil until the property was bought by a housing developer early this millennium.

Gil Mane, 53, is the last tenant of the farm. I interviewed Gil on December 29, 2010. Following is his true-to-life story. A believe-it-or-not story that could have been featured in the recently ended ABS-CBN “I Survived" television drama program.

It was mid 1980’s when Gil built a hut about five meters from the tree; while his family home is a kilometer away at the village proper. According to Gil he witnessed when this tree had been struck by lightings twice yet it survived.

In several occasions he had to fetch their farm animal after twilight time. Once in early 1990’s at about eight in the evening, he noticed that the carabao was very restless and visibly afraid of something. As he pulled the animal by the rope he clearly saw a chicken family near the duhat tree. Before his eyes were a rooster cock, a mother hen, and about a dozen little chicks. They were aglow in the dark of the night in yellow gold colored feathers. Afraid he jumped at the back of the carabao and hurriedly rode back home. He kept this experience to himself for quite sometime.

Long obsessed since childhood by the lore that blessed is this duhat tree with hidden treasures thereby and driven by despair of poverty he decided to try his luck to find the hidden treasure.

This was during the first week of May 1992 before the barrio fiesta. Every noon time whenever the vicinity of the tree was deserted he secretly dug a hole in the spot where the chicken family once appeared. In three days he made a hole over a meter deep and about 4 by 4 meter wide. When excavating the soft area that looked like termite mound he experienced a terrible anus itch. He felt sick and afraid and went home immediately.

At home the itch was uncontrollable. He had to scrape his behind against the chair, the table, or bedpost like a dog. The following day he was scratching all over to ease itchiness he felt but to no avail. It was the eve of the feast of Saint Mary Magdalene and realized he lost his sense of tastes since the fiesta food were all tasteless to him. He became sick and weak.

He could not eat henceforth yet experienced frequent vomiting and bowel discharge. Itching continued and he gradually became weaker and thinner thereafter that he could hardly walk. The doctors at the Philippine General Hospital could not say what actually his sickness was; several quack doctors as well.

Gil confessed: “My will to survive was strong. Bedridden for eight months, I was spoon-fed with milk, choco-drink, juice and other energy source I could possibly take. Guilty of whatever trespasses I could have committed, I decided to visit our dilapidated hut past twilight time one night. I was crawling my way to the duhat tree like a sick monkey.”

Reaching his hut he never was in since he felt ill, Gil narrated thus: “I knelt in deep prayer. Lying face down in prostrate with spread-eagle arms, I asked for forgiveness for digging up a hole for the hidden treasure. In serious incantations and in tears I justified my trespass and reasoned out I only wanted to alleviate my family from poverty.

“Feeling exhausted yet relieved, I went home in peace believing I was already healed. I was crawling not anymore but still so weak that I could hardly walk back home. Along the way I saw people with torches not far from my home searching for me, calling my name. I realized I had been gone for hours that my family was so concerned and alarmed.”

“Believe it or not I was healed, indeed, days after. The anus itch was gone and I ate meals with tastes,” concluded Gil.

Gil said this was his first unforgettable encounter with the mysterious duhat tree. The second was two years thereafter. Briefly, as a post-script to his life story, Gil added: “Back to normal life at the farm, I used to harvest pales of the succulent fruit berries for sale. One time while atop gathering the fruits, my four-year-old son playing alone down below shouted there was a dwarfish tiny old man by the foot of the ladder at the base of the tree. Greatly rattled, I lost my balance and the branch I was standing on gave way; I fell down with the broken tree branch and was told unconscious for about 15 minutes. I almost died. Thanks to the immediate rescue by my brother Max and farmer Ka Danoy “Putting Lupa” Pizzara who happened to be nearby.” Gil ended the story with thanksgiving and praise.

Lolo Ome, with this article, invites officials concerned from the Department of Environment and Natural Resources to come and find out if this duhat tree could very well be a “Heritage Tree?”

This over a century and a decade old duhat tree is healthy. Indigenous. Exotic. Rare. This tree has a girth of five meters measured half-meter above ground. It stands taller than the primary line electric pole. This tree withstood recent rapid developments in the urbanizing city of Rizal’s old cradle town. This tree beacons to be identified, cared, and protected for the future generations.

The tree is sited in the midst of Mahogany Villas at Barangay Looc, in the City of Calamba. Looc is a shoreline barangay of Laguna de Bay.

Lolo Ome and the residents of the community hope government officials concerned would soon declare this duhat tree a “Heritage Tree.” We fervently pray this would happen during our lifetime.

Among the aims of this official declaration is “to inculcate and enhance awareness among our community and other stakeholders specially the students the importance of caring and protecting identified Heritage Trees which will be our legacy to future generations of Filipinos.” Protected and cared of, may this tree bear more fruits


Author is shown measuring the girth of the tree. (Duhat Photo 2.JPG)










Visible are huge lumps at the base trunk of the tree; aging scars caused by vandals and natural calamities. (Duhat Photo 3.JPG)


















Close-up view of antique shot-glass found at the rice paddy near the duhat tree sometime in 1985 by then 15 year-old Estoy Mane, 40

A TRIBUTE TO TITA CORY

25 Jan 2011. 78 birthday of former President Corazon C. Aquino. A simple ceremony giving tribute to her was celebrated at Malacanang Palace. Following is my humble tribute written in August after her “Peoples’ Funeral.”

The Measure of Man

The outpouring of international adulation to our beloved former President Cory is seemingly endless to this day and hopefully beyond.

Almost everything about her has been said and written. People are extolling her values. Her virtues. Courage. Honesty. Humility. Integrity. Love. Morality. Motherhood. Simplicity. Sincerity. Warmth. And many more; yet above all, as the Mother and Saint of Democracy, as the World Icon of Democracy.

Contaminated with the current nationalistic fervor, this retired OFW and a septuagenarian by November, Lolo Ome here becomes prouder as a Filipino. The personal obligation to offer Cory a simple tribute becomes heavier in the passing of days since the 1st, this instant. But Lolo Ome has been at a lost.

Where do I begin? What should I say? Where, When, Why, and How should I start?

Voila! Pushing the memory button to the limit, Lolo Ome at least recalled from the recesses of his seasoned citizen’s mind an English poem gauging man’s virtue. “The Measure of Man,” the poem read from The Mason’s anniversary magazine in the late sixties at the office of the 1st Deputy Administrator of the defunct Philippine Veterans Administration.

Here is Lolo Ome’s Tagalog translation made four decades ago. This is my simple tribute to Tita Cory; this instant – being our country’s national language month.

ANG BATAYAN NG KAHALAGAHAN NG TAO

(The Measure of Man)

HINDI Paano siya namatay?

KUNDI Paano siya nabuhay?

HINDI Ano ang kaniyang tinubo?

KUNDI Ano ang kaniyang ibinigay?

ITO ANG BAHAGDAN SA PAGSUKAT

NG KAHALAGAHAN NG TAONG NILALANG

MAGING SINO PA MAN. . . . .

HINDI Ano ang kaniyang katatayuan

Sa ating lipunan?

KUNDI May puso ba siyang ginintuan?

AT Paano ginampanan

Ang kaniyang bahagi sa mundong ibabaw

Na Diyos ang nagbigay?

Siya ba ay may mabuting payo

Sa kapuwa nilalang

Nagbibigay sigla

Papawi sa lumbay?

HINDI Ano ang kaniyang Simbahan?

O Pananampalataya sa buhay

ay ano kaya naman?

KUNDI Siya ba ay nakipagkaibigan

Sa mga kapuspalad, higit na nangangailangan?

HINDI Gaano kahaba ang mga salaysay

Na isinasaad sa mga pahayagan?

KUNDI ILAN ANG NALUNGKOT?

ILAN ANG NALUMBAY?

NANG SIYA AY PUMANAW!

Nagpupugay, Tita Cory! Muli bilang pag-gunita sa ating buwan ng wika.

In your death, the nation mourns. Throngs upon throngs of mourners in your “Peoples’ Funeral” clearly show that the real lady Tita Cory has been truly the epitome of “The Measure of Man.”

Roman Romeo G. Nagpala, Brgy. Looc, City of Calamba in Laguna, 71; former government PRO, now a retired OFW with Bechtel International projects in the Middle East and the South Pacific.




“KWENTONG KUTSERO”


Written after P-Noy’s amnesty to rebel soldiers, EO 27, 2010.


Alam ba ninyo kung ano (what?), saan (where?), kailan (when?), sino (who?) ang pasimuno, at paano (how?) ang kasabihang “Kwentong Kutsero?” At bakit? (why?) Let us find out the five Ws and one H, the whys and the wherefore, of the story.

Tama po kayo. Tunay na ang kawikaang ito ay buhat pa noong panahon ng kastila, galing sa pusod ng kolonyal na Maynila – ang sentro ng kapangyarihan ng Espanya sa Arkepelago ng Filipinas (noon).

Kung paano at sinong pasimuno sa “kwentong kutsero” ay siyang tampok sa isyung ito. Ingat lang po at baka ilang butil ng dumi ng kabayong bisiro at ampiyas ng mapangheng ihi ng babaeng kabayo ang maranasan n’yo. At kung ganito nga ang maranasan mo, tiyak masangsang na amoy ang dala-dala mo.

Problema ang trapiko ngayon. Sa kalakhang Maynila, ito ang malaking suliranin ng Metro-Manila Development Authority (MMDA).Tunay na ito ang sakit ng ulo ni Chairman Bayani Fernando. Kaya naman eksperimento dine, eksperimento doon, sa hangad makalas ang buhol-buhol na trapiko sa lansangan sa kabila ng mga batikos na inaani kaliwa’t kanan… KALIWA, KANAN.

Kamakailan lamang sa matinding buhos ng ulan na dulot nang climate change ay naipit si Lolo Ome sa Makati. Pauwi na ako noon buhat gusaling 6750, Ayala Avenue, sa tanggapan ng Bechtel Overseas Philippines.

Sa “Oakwood Area” pa lamang, kung saan naganap ang “katapusang rebolusyon” daw at ngayon nga ay bahagi na nang Philippine History, ay usad pagong na si “YT” habang nagiisang hawak ni Lolo Ome ang manibela nito.

Solo flight si Lolo sa gitna ng matinding buhos ng ulan lulan ng kotseng may kulay dirty white at may bangas kaliwa’t kanan, unahan at hulihan. Oto ba ‘to? (Is this an automobile?) Pwede na rin, kaya binigyan ko ng pangalang “Dorothy White Bangs” ang kotseng nabanggit dahil sa tunog ng “dirty white, bangas.” Ang nickname o palayaw nito ay “YT,” from the word WHITE.

Wala akong magawa, dahil heavy traffic talaga sa buong Kamaynilaan, kung hindi ang magnilay-nilay.

Gaya nang inyong inaasahan, balik-tanaw sa history - panahon ng Kastila. Wala pang kotse noon. Hindi kasing sikip ang populasyon sa Maynila. Malinis at libre pa sa carbon monoxide ang kapaligiran.

Langhap sariwang hangin ang Pinoy, Chinoy, Kastilalaoy at lahat ng mamamayan noon sa buong kapuluan.

Kaiba naman ang polyusyon sa Maynila nang panahong yaon – maraniw ay buhat sa mga kabayo at mga kalabaw – amoy dumi ng mga hayop na ito, at may pagkakataong maapakan mo ang nakakalat na dumi nila.

Isang artikulo – Ilustracion Filipina, 1859 ang naglahad ng ilang bagay tungkol sa mga drayber ng kolonyal na Maynila. Batay sa di kagandahan ng tono ng pagkwento, di kataka-takang sinulat ang artikulo ng isang buhat sa nakaririwasang pamilya dahil ang tawag nila sa mga cocheros (drayber) ay Quicoy, Pancho, Pololo, at iba pang palayaw kastilaloy. Cochero – salitang-ugat ay English word coach (a large usually closed 4-wheeled carriage having doors in the sides and an elevated seat in front for the driver).

Noon, bago maging isang ganap na cochero de familia (family driver), ang isang lalaki ay maraming pambahay na gawain ang dapat pinagmulan. Dapat munang magsilbi bilang portero (messenger), muchacho de cuarto (housekeeper), sota (horsekeeper), katapusan ay cocinero (cook).

Kaya naman may kaakibat na dangal ang maging cochero. Ang cochero ay hinog sa karanasan sa pamamasukan sa kanyang amo, wika nga nila. Kahit walang karanasan sa pagmameho ng karetela (horse-driven 2-wheeled vehicle, an improvised coach in the Philiipines), taas noo sila. At ilang araw lang ay mapangahas nang nakaupo sa pescante (driver’s seat) ng karetela.

Pescante ay buhat sa salitang ugat na pescar na ang ibig sabihin ay mangisda (to fish). Ibinabadya o ipinapahiwatig na habang nakaupo ang cochero ay tila namimingwit o nangingisda gamit ay bingwit habang hawak ang renda (rein) ng kabayo. Sabi nga nila: 95 porciento ng mga cochero sa Maynila ay hindi alam kung ano ang binibingwit nilang isda. Subalit nagiging eksperto sa pag-renda ng kabayo dahil sa salapi at pasensya ng kanilang amo. Di ba pamilyar ang tunog ng kasabihang ito?

O di ba-ga angkop ang taludtod na ito sa sitwasyong politikal ngay-on? Baliktad nga lamang kabayan.

Si Juan dela Cruz (mahirap na mamamayan) ang kabayo, sinasakyan ng politikong kutsero (mayamang amo). Salapi ni Juan ang inaabuso at habang nagtatagal hinuhuthot lahat ito hanggang mabundat ang tiyan ng kutserong pulitiko sa halip na pakainin, alagaan at busugin ang kabayong si Juan. Di ga’t ito ang nagbabagang katotohanan sa ngay-on at laging laman ng pahayagan, balita sa radio at telebisyon? O di-ga at tunay na kaawa-awa si Juan? Ala eh, baken ga?

Hindi ba-ga at gay-an din at kahalintulad ang puno’t dulo at ugat ng pag-alburoto ng mga “KU PLOTTERS” daw – in Oakwood Mutiny? . . . Sa daigdig ng militar, ang mga sundalo ang hinuhuthutan ng nasa itaas na mga Heneral. Totoo o Ku Wentong Ku tsero? E di itanong sa Ku Mander in Chief!

Noong paslit pa si Lolo Ome kasiyahan kong sumama sa tatay ko (Atanacio "Tana" Casulucan Nagpala, SLN) sa pag-kukutsero. Tuwang-tuwa ako sa paghawak ng renda ng kabayo habang nakaupo sa pescante at mag-aral magmaneho. Sabi ng Tatay ko: MANO, kung sa gawing KANAN ang dapat tunguhin ng kalesa at SILLA, kung sa KALIWA naman ang punta mo. Tunay na ako’y litong-lito.

Ang salitang MANO at SILLA ay buhat sa Kastila sa Pilipinas noon. Sa wikang Pilipino ang ibig sabihin ay kamay (mano) at upuan (silla). Subalit hindi dapat ito sabihin sa kutserong kastilaloy. Sapagkat sa orihinal na wikang kastila ang tama ay isquierda (kaliwa) at derecho (kanan).

Katuwa naman ang pagka-intindi nating Pinoy. Kapag sinabing derecho ay patuwid ang dapat na tungo. Ang ugat (origin) ng mga salitang kastilang nabanggit ay dito lamang sa Pilipinas at nagsimula sa kolonyal na panahon.

Sa tamang pagkakaupo ng cochero sa pescante, na tila namimingwit, ay hawak n’ya sa kanyang kamay (mano) ang renda ng kabayo samantalang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa hawakan (armrest) ng upuan (silla). Dahil dito, binibigkas ng amo: MANO, kung dapat gumawi sa kanan sapagkat kanang kamay ang dapat gamitin ng cochero sa paghatak ng renda sa kanan; at SILLA naman kung sa kaliwa ang tungo dahil ang kaliwang kamay ng cochero na nakapatong sa silla ang dapat gamitin niya sa paghatak ng renda sa kaliwa.

Dalawa ang kabit o kawit na renda sa kabayo. Isa sa kaliwa at isa sa kanan ng vocado(maliit na bakat na tangay sa bibig bahagi ng saklob sa ulo at mukha ng kabayo). Ito ang mahalagang bahagi ng gornacion (harness) na suot ng kabayong pang-kalesa, karetela, o tiburin. Sapagkat sa pamamagitan ng renda may direksyon at kayang patigilin ang takbo ng kabayo. Ang renda ang susi sa kaligtasan ng sakay ng kalesa. Ito rin ang susi sa kamay ng isang hinete sa ibabaw ng kabayong pangarera.

Buena mano ay palasak na salita noon gamit ng amo kaugnay sa kutsero. Hindi ang ibig sabihin ay unang benta (first sale) ng isang manininda o tindera sa kahulugan mismo sa panahon natin ngayon upang bigyang katuwiran ang bawas presyo (discount). Ang Buena mano ay nangangahulugan na mahusay ang kamay (good hand) ng cochero sa pagrenda ng kabayo, pag-aalaga at paglilinis ng kabayo pati ng kalesa at cuadra (horse stable).

Sa pang-karaniwang cochero, damo lamang o zacate (katumbas marahil ng diesel gas), ang pagkain ng kabayo na bili sa zacaetro. Ngunit sa isang magaling na cochero, ang supply na pagkain sa kabayo ay palay/mais na may halong pulot (katumbas marahil ng premium gas), bukod sa sariwang damo.

Kilala ng cochero ang kaniyang kabayo hindi sa pangalan nito kundi sa angking kulay: el bayo, kung kulay itim, el moro kung initiman na may bahid na puti sa ulo o paa nito. El castaño sa kulay kayumanggi (chestnut brown). El blanco sa putting kabayo.

Inaalagaan ng cochero ang kalusugan at kasiyahan ng kabayo. Matapos ang mahabang viaje, kakalasin ang gornacion at pinagugulong kusa ang kabayao sa lupa. Gustong-gusto ito ng kabayo, pagkatayo ay pipilig pa ito ng ilang ulit upang palaglagin at matanggal ang kumapit na lupa at alikabok sa katawan, bago siya tuluyang ipahinga sa cuadra at bigyan ng pagkain at tubig.

Pinapaliguan din ang kabayo at inaalmuhasa (brushing the whole body with hard comb, usually made of aluminum or wrought iron. Bahagi ito ng pang-araw-araw na pag-aalaga sa kabayo.

Alam ng cochero ang tamang galaw at takbo ng kabayo upang matiyak ang matining na gulong ng kalesa sa kasiyahan ng amo at mga sakay nito. Tulad sa pagpapatakbo ng sasakyan sa bagong panahon, alam nila ang takbong primera, segunda, tercera, cuarta, quinta, atras (gear shifting). Bukod sa atras (backing o back step), may tatlo lamang hanggang apat na bilis o tulin (speed) ang takbo ng kalesa o karetela depende sa kakayanan ng kabayo: trotanto (trotting) – yagyag sa tagalog, galope (full gallop o sagad na tulin), escape (rush) o pabigla-bigla ang takbo, at paso (smooth pass) o matining na mabilis ang takbo.

Gamit ng kutsero ang sigaw o mahinang boses sa kanyang ugnayan sa kabayo. Alam din ng cochero kung kailan at paano gagamit ng sigaw o senyas bilang babala sa pedestrian at sa ibang sasakyan sa lansangan habang patuloy ang takbo ng karetela nito.

Matapos ihatid sa paroroonan ang mga amo, kaugalian ng mga cochero na iparada sa lilom ng mga punong kahoy na nakayungyong sa kalsada ang kanilang karetela. Ito ay karaniwang tanawin sa pook Binondo, Divisoria, Intramuros, Ermita noon. Nagpapahinga sila habang naka-upo sa pescante o sa likod na upuan ng kalesa, dili kaya’y nakahiga o natutulog sa paghihintay sa kanilang sakay na pasahero.

Kalimitan habang naghihintay, kwentuhan ang mga cochero at palitan ng sari-saring inpormasyon tungkol sa kani-kanilang amo. Ibinabahagi din ang ano mang tsismis o balita na nadinig sa usapan ng amo at kasama nito habang ang cochero ay tahimik ang pag-kakaupo sa pescante.

Sa ganitong paraan kay bilis kumalat ang tsismis at bulong-bulongan. Maging ang tunay na balita ay nasasagap sa kwentuhan ng mga cochero. Depende sa pandinig ng cochero at interpretasyon nito sa naulinigang usapan sa kanyang likuran, nag-iiba sa katotohanan ang ibinabahagi sa kanilang palitan ng kuro-kuro at usapan habang hinihintay ang pagbalik ng amo nilang tisoy o tisay.

Sa paglakad ng panahon, tinawag itong “KWENTONG KUTSERO” - half-truth and half-lie. Paniwalaan dili, wika nga. Belive it or Not!