- AY BILIB 4 U -
It was, in the beginning, only a hazy collage, a deem shadow of fading scenes out of the flickering candle light from the receding memories of a sexagenarian tennis enthusiast.
It was seemingly a mosaic of visions and daydreams and memories of youth; diverse fragments of a sports club scenario where members were lively doing their things thereabout. The young ones and the once young were in chemistry in the name of sports. They were either raucously or silently playing their games in or outside the proper venue. Others were plainly in peace just watching ongoing tennis games, chess matches, or card games of “Tong-Its,” or whatever.
Now at 68, the stark reality of the ever flashing back and haunting photo shots in the senior citizen’s mind of Lolo Ome regularly stares at him to the face.
Lolo Ome has now been a regular cast in that scenario during week-ends, highlighted by boodle fight lunch among participants. He enjoys playing tennis with friends and young tennis addicts or against his nephews and their sons and daughters as well, at Bukal Kay-Tala Tennis Courts.
The venue is sited along the shoreline of Laguna de Bay, at Brgy Looc in the City of
Lolo Ome, a seasoned citizen, is an Honorary Member of “Bukal Kay-Tala Tennis Club,” a.k.a. “Looc Tennis Club.” The club’s dual tennis courts belong to the President and Chairman of the Board of the Lazaro Group of Companies – Angelito Landicho Lazaro, Sr. Known as “Ka Ito” among his peers and friends, as well as to the Laguna constituents, Mr. Lazaro is also the “First Gentleman” of Laguna, being the husband of Laguna Governor Teresita Santiago-Lazaro (1998-2010).
It was a dream-come-true of “Ka Ito” to provide a private sports haven and share its facilities to the community. It was his vision to have a secluded place to meet with friends after each hectic days of work and engage in idle talk with them over refreshing drinks while others play tennis if their aging legs could still run them around the shell court or at the hard court.
Once upon a time the place was referred to as “Bukal Kay-Tala, since the barrio folklore had it that in this spring lived Juan Tala and his beauteous daughter known only as the star at the spring (Tala sa Bukal). It was believed that this spring belonged to Mr. Tala; thus, the place was referred to as “Bukal Kay-Tala.”
The realization of Bukal Kay Tala Tennis Courts, apropos the development of Barangay Looc, has its historical roots from the Rizal-inspired tenant-farmers uprising in Calamba during the Spanish period – the beginning of a simple community settled along the river deltas of the largest bay in the
Please browse on the article in Pilipino – “KAY TALA:” HALAW SA KASAYSAYAN, ni Lolo Ome.
“KAY TALÀ”: HALÁW SA KASAYSAYAN
(Unang Bahagi)
Noóng unang panahon, may isang maliit na bukál na dinadaluyan ng malinis na tubig sa lugar na sakop ng nayon ng Looc, bayan ng Calamba, lalawigan ng Laguna. Ito ay matatagpuan sa palanas na latian malapit sa hangganan ng bayan ng Cabuyao, hindi kalayuan sa baybayin mismo ng lawa ng Laguna. Nasa gitnà ito ng malawak na latian; tigang sa tag-araw. Talahib, ligaw na halaman at sari-saring damo ang lumagô sa paglipas ng panahon.
Ayon sa saling-lahi ng mga ninunò sa nayon ng Looc, sa mismong bukál na ito lumikas at nagkanlong ang higit pitong pamilya buhat sa kabayanan ng Calamba sa pagtakas sa malupit na pag-usig ng guardya sibil. Dito sila namuhay ng tahimik, tagô, at malayò sa kabihasnan.
Binago ang kanilang pangalan upang di matunton ng may kapangyarihan sapagkat binansagan silang “tulisan.” May binyag na identidád batay sa kilos, ugali, karakter, o katawagan. Hindi sila natunton ng kabayuhang guardya sibil sapagkat pagsapit sa malalagong talahiban o tikiwan ay paatras ang pagtakas upang isa-isang itayo ang dawag na dinaanan. Talahib sa tuyong lupa at tikiw naman sa latian.
Sila ang nagsilbing ugat na pinagmulan ng pagsibol ng populasyon sa nayong ito sa baybayin ng look ng Laguna.
Ang bahaging ito ng kasaysayan ng lahing Calambeño ay haláw sa pirapirasong salaysay ng mga “matanda sa nayon” ng Looc, Calamba, Laguna.
Kabilang sa kanila ang itinuring na pinakamatanda sa nayon at kabesa de barangay na inabot ng aming henerasyon, ang “Matandang Purwa” - si Lelong Tomas “Uma” Parayan; Lelang Tinay “Moros” Mane; ang Mamay Kikòng “Hantik” - ama ng “Toton” Casulucan Nagpalà at nakatatandang kapatid na si Lelang Agre, asawa ng Sayas “Mapalad.” Gayun din ang Lola Abè, asawa ng Gorio “Bagsik” Bawiin; at Lelong Berto “Tapang” Tanyág. Ninunò nila, pati ang lahing pinagmulan (katiwala sa bahay ni Rizal) ni Inang “Goriang Teng”, at Tata Panyo “Alapaw” Arguelles, ang nanirahan sa tabi ng ilog San Juan sa dulong timog ng kanayunan.
Bahagi ng sibilisasyon na kung saan may daloy ng tubig ng buhay doon ang pasimulà ng pamayanan.
Dito isinilang si Eduardo Nagpalà Tanyág, kilala bilang Kapitan Dadong. Nagsilbing kagawad matapos ang pananakop ng Hapones, Tinyente del Baryo at Kapitan ng Barangay Looc nang mahabang panahon hanggang magretirong Barangay Chairman matapos ang EDSA Uno. Maraming pangyayaring naganap sa pag-unlad ng kaniyang nayong sinilangan ang malinaw na natitik sa kanyang kamalayan at naibahagi sa sumunod na henerasyon.
Sa gitnang bahagi naman ng kanayunan, tabing ilog San Cristobal nagmula ang angkan ng Lelong Adong “Uwák” Mane, Inoy “Bagsák” Mamplata, Victor “Balat” Narvaja, Adong “Pusà” Almazan at Roman “Bato” Alviar. Sila rin ay kinaringgan ng mga butil ng kasaysayan at kaganapan sa paglagô ng kanayunan.
Narito ang buód sa kasaysayan ng bukál “Kay Talà” buhat sa haláw na pananaliksik ng anák ni Kapitan Dadong – Teofilo “Ka Iloy” Mane Tanyág, maestro sa kontaduriya (accounting) sa Akademiya ng Pulisiya (PNP Academy). Mga talâ mulang pagkabata buhat sa bibig ng Lelong Uma (1860-1957) at Inang Lilay “Tangkad” Tuzon, lider ng kababaihan noong panahon ng “Sakdalista” na itinatag ni Benigno Ramos (1930-1935); at sa aklat tungkol kay Rizal ni Fr. Miguel A. Bernad S.J. – “Essay in Biographical Context.”
Ilustrado ang amá ni Doña Teodora Alonzo-Mercado. Ito ay naging Diputado ng Filipinas sa Spanish Cortez.
Balintuna mandin, mismo si Doña Teodora Alonzo-Mercado sa utos ng Alkalde Mayor (Gobernador ng Laguna) taon 1871 ay pinaglakad patungong kapitolyo sa Sta. Cruz, Laguna upang humarap sa isang paglilitis. Sampung taon gulang pa lamang noon si Jose Protacio Mercado y Alonzo. Nagtagô sa bayan ng Los Baños ang nakatatanda at kaisa-isang kapatid na lalaki ni Pepe, si Paciano - upang iwasan ang pag-usig ng mga kastilà dahil malapit na kaibigan niya si Padre Jose Burgos (binitay 1872 kasama sina Padre Gomez at
1888 nang umigting ang sigalót sa lupang agraryo sa pagitan ng frayleng Dominicano at mga kasamá (tenant farmers) sa pamamahalà ng mga magulang ni Dr. Jose Rizal. Nagalit ang mga frayle at gobernadorcillo sa pamilya Mercado at mga kasamá sa hacienda de Calamba. Pinagusig ang kanilang angkan, pinalayas ang ilan sa bayan ng Calamba.
Sa galit ng kastila, sampu ng mga katiwala at kapatás ng pamilya Mercado ay pinagusig din. Isa na rito ang hepe de caballeriza Ka Juan Talà, ayon sa haláw na inpormasyon buhat sa retirado at batikáng-púlis detektib sa Lungsod Quezon at METROCOM Intelligence Special Group (MISG) - Sarhento Alfredo “Tata Fred” Miranda.
Si “Tata Fred” ay recornized guerilla ng ikalawang digmaan. Naglingkod bilang púlis ng pamahalaan ng Calamba noong 1946 matapos ang libereysion. Nagsanay sa NBI at pumasá bilang púlis-detektib. Nahirang na púlis-detektib sa Lungsod Quezon at nagíng púlis-badigard ng dating Meyor Antonio Amoranto. Napilì siyang kasapì sa MISG at nagkamit ng 12 medalya ng kagitingan hanggang magretiro sa serbisyo. Si Sarhento Miranda ang Chief Investigator ng dating Koronel Rolando Abadilla at dating Tinyente Pampilo Lacson (Heneral at Senador “Ping” Lacson ngayon) nang magretiro taong 1983. Ang tahanan ng pamilya Miranda ay tabi ng plaza malapit sa bahay ni Rizal. At ayon sa kanya ay kamaganakan nila ang mga Alonzo ng Calamba.
Upang makaiwas sa lupít ng guardya sibil ay lumikas si Ka Juan Talà at kamaganakan. Kasama ang ilan pang katiwala, palihim silang tumawid buhat kabayanan sa ilog
Hindi sila makatawid sa Cabuyao na ligtas sa kapahamakán. Lalong hindi sila pwedeng manatili sa lupang Cabuyao na dating luklukan ng pamahalaang kastilà sa Laguna dahil naglipanà ang guardya sibil sa bayang ito. Pinairal ni Gobernador General Weyler ang utos na mananagot sa pamahalaang Kastila ang sino mang kukupkop sa pinalayas na kasamá ng pamilya Alonzo-Mercado.
Sa kanilang pagtakas nasumpungan ang maliit na bukál na binabalungan ng sariwang tubig sa tigáng na lupà sa gitna ng latian. Dito sila nagkanlong sa malagóng talahiban at tikiwan at namuhay na ligtas sa kamay ng malupit na kastilà.
Mulà noón hanggang sa kasalukuyan ang poók sa gawì ng bukál na ito sa dulong hilagà ng kanayunan, malapit sa hangganan ng lupang Cabuyao, ay itinuring at tinawag na “Kay Talà.” Batay sa rehistro ng kasal nuong panahon ng Kastila Kay Talà ang ngalan ng buong kanayunan.
Daang taon ang lumipas, ang pag-mamayarì sa lupang karatig bukál Kay Talà ay nagpasalin-salin kung kani-kanino at kung taga-tagasaan. Sa pag-usad ng kabihasnan, ang bukàl ay naroon pa rin. Subalit hindi na binabalungan ng malinis na tubig. Dahil marahil sa ginawâ itong taniman at álagaan ng mga isda (fish pond ng hitò at tilapyâ). Nagsilbi itong páliguan ng mga batang paslit, itikán at lubluban ng kalabaw. Kanlungan at pugad ng ibat-ibang ibon ang mga punong kahoy sa paligid ng bukál.
(Ikalawang Bahagi)
Sa mahabang panahon, ang pag-mamayarì sa lupang karatig sa bukál “Kay Talà” ay nagpasalin-salin kung kani-kanino at kung taga-tagasaan.
Ang lupang Kay Talà na pinagpalà ng kasaysayan ay binili na ni G. Angelito Landicho Lazaro at ang pag-mamayarì ay nakatalâ sa pangalan ng kanyang dalawang anak.
Tila iginuhit ng pangyayari, si Ginoong Lazaro ay isinilang sa kabayanan ng Calamba malapit sa bahay ng ating bayani pitong bahay pakanluran, pitong araw makalipas ang kaarawan ni Rizal, pitong buwan matapos sumiklab ang ikalawang digmaan. Dito rin sa Barangay Looc lumikas ang kanyang pamilya noong kasagságan ng kalupitán ng Hápones na kumitíl sa buhay ng kanyang amá. Pitong linggo matapos ang kamatayan ng kanyang amá, pito silang nalabi sa pamilya ang tumawid sa ilog San Juan upang kupkopin ng kanyang Lelong Dama “Kampit” Landicho sa kanayunan ng Looc tabi ng ilog San Cristobal .
Sa kanayunang ito nahinóg ang kanyang kamalayan sa gitnà ng tahimik at payák na pamumuhay.
Si G. Lazaro ay kilala ngayon bilang “Ka Itò” sa higit na nakababatid sa kanyang kababaang loob at pagiging maka-masa. Bukás na aklat ang kaniyang buhay bilang isang simple at tagumpay na negosyante.
Buhat sa hirap, nagsumikap, at umunlad sa malinis na hanapbuhay. Mulà sa maliit na tindahang sarì-sarì, pag-aalagà at pag-papaalagà ng itik, gawaan ng itlog na maalat, penoy at balót; ngayon ay home appliance marketing, real estate developer at mamumuhunán.
Nakaisang dibdib ang isang gurò ng Cabuyao, Laguna na tulad niya ay sibol sa payák na angkan buhat naman sa lalawigan ng Bulacan. Sa magkatuwang na paghahanapbuhay, sila ay dinalá ng kapalaran sa rurok ng tagumpay.
Ang kanyang maybahay ay nahalál na Punong Lalawigan ng Laguna – Kgg. Teresita Santiago “Ningníng” Lazaro (2001-2010).
Isa ring bukás na aklat ang buhay ni Gobernor Ningníng Lazaro. Dating gurò. Ina ng tahanan. Matagumpay na negosyante. Lingkod bayan matapos ang EDSA Uno: Kagawad at Pangalawang Punong Bayan ng Calamba; Kagawad at Bise Gobernador ng Laguna; at nahalál na Punong Panlalawigan (2001-2010).
Mahabang panahon bago naging Unang Ginoó ng Laguna si Ka Itò, ang lupang Kay Talà ay nagsilbing sakahan, taniman ng kalamansì, mais at ibat-ibang gulay.
Bilang realtor, ang may apat hektaryang bukid na ito ay ginawà niyang subdibisyón. Naglaán ng palaruan para sa maninirahan dito, kanayon, at gayun din sa taga-karatig barangay. Nagpagawà ng tennis court at balak isusunod ang multi-purpose court para sa basketbol, bolebol, sipà at iba pang katutubong larông Pinóy, at bilaran ng palay.
Sabi niya: “Ang palaruang ito ay isa sa aking mga pangarap para sa kabataan ng aking nayon at ng sambayanan. Pangarap kong magkaroon ng isang tagpuan ang mga may edad na mamamayan o ‘Senior Citizen.’ Dito maaarì tayong magpalipas ng oras matapos ang maghapong trabaho sa atin-ating pinagkakaabalahan. Maglibáng sa panonood ng larô. Makipaglarô at mag-ehersisyo kung kaya pa ng ating mga tuhod. Magpalitan ng kurò-kurò. Masayang mag-kwentuhan ng mga nakalipas na karanasan sa buhay. O di kaya ay tahimik na magpahingalay.”
Buô ang paniwalà ni Ka Itò na tunay na pinagpalà ng tadhanà ang lupang Kay Talà. Bakit di ko sasabihin ang bagay na ito, wika niya. Ito ay sapagkat apat na mga parì na nakadestino sa kampo militar sa Canlubang, Laguna ang bumili ng lote sa gilid mismo ng bukál. Pinangunahan ito ni Father Rey Urmeneta, Father Julius, at iba pa. Dalawa pang parì ang nagpareserba na.
Bilang patotoó ni Father Rey: “Buhay-bukid sa payák na kapaligiran at tahimik na poók ang nais kong tahanán. Natagpuan ko ang lupang pangarap dito sa Kay Talà. Katunayan, apat kaming mga parì ang dito naglalarô ng tenis sa araw ng Sabado at pawiin man din ang suliranin at panimdim.”
Ilan pang taong simbahan ang nagnanais manirahan sa poók na ito, dagdag na inpormasyon ni Sister Remy, ang masigasig na ahente sa pagbenta ng lupang Kay Talà. At nagpatayó agad ng kubong pahingalayan si Father Rey sa poók na ito. Sinimulan na rin ang pagawain para sa isang silid dalanginan (oratory room). At sa kapakanan ng mga kapus-palad, sumangayon si G. Lazaro sa kahilingan ni Father Rey na ialay ang espasyong ito kay Saint Peregrine Lazioci – deboto sa pag-aarugâ ng kapus-palad at may talamâk na sakit (gaya ng kanser) – na ang kapistahan ay ika-4 ng Mayo.
Sa darating na mga araw, mulì kayáng dadaloy ang sariwang tubig sa bukál Kay Talà? Dalangin ni Ka Itò at Father Rey, gayundin ng iba pang alagad ng Diyos, na maging huwaran sa kinabukasan ang poók na ito. Matahimik. Matiwasáy. Kaaya-ayang pamayanan. May dalanginan para sa kapus-palad at may talamâk na karamdaman.
Dinggin kaya sa kaitaasan ang dalanging ito? Maging masayang palaruan? Tagpuang pampalakasan para sa kabutihan ng kabataan, sampu ng katandaan sa paglubog ng araw?
(Ikatlong Bahagi)
Nais kong ibahagi at madugtong sa kasaysayan ang isang pangarap: Panukala sa bukál Kay Tala.
Maging katuparan kaya ito sa panahon ng ating henerasyon o sa susunod pang saling-lahi? Tunghayan natin ang “Panukala sa bukal Kay Tala” ng Lolo Ome. Suriin, pag-aralan natin, alamin at pagyamanin ang mga hakbangin na dapat kaagad ay gawâin upang di mahulí sa pagsulong ng kabihasnan at sa paglakad ng panahon ang ating nayon.
Panukalà sa bukál Kay Talà*
v Ibabalik ang dating bukál upang pagyamanin at panggalingan ng tubig inumin. Malaking tulong ito sa kanayunan at dagdag sa kaban ng bayan ng barangay.
v Ipalilinis ang munting sapà (creek) at pasisimulán ang deep well digging upang matunton ang dating bukál at buháyin ang pagdaloy ng sariwang tubig.
v Marami ang naniniwalà na ang dating bukál ay naroon pa rin. Sakaling matukoy ang sinasabing matáng-tubig nitó, isang tuberiyás (pipeline) lamang ang kailangan buhat kailaliman at kusang aagos muli ang bukál na tubig ng buhay.
v Magtatayô ng water tanks upang maging tinggalan ng sariwang tubig.
v Kung magkagayon:
1. Masaganang tubig-bukál ang pakinabang ng bawat tahanan sa kanayunan.
2. Gagawing water project ang bukál para sa kasiyahan ng pamayanan.
3. At buhat “Kay Talà” ang mini water park area ay maaring tawaging “Kay Itò” o “Kay Ningníng” bilang parangal sa kabutihang loob ng “Unang Ginoó ng Laguna” at ni Gobernor Teresita Santiago “Ningníng” Lazaro (2001-2010).
*Ang pagbuhay sa bukál Kay Talá ay maaaring simulan bilang isang proyekto (Pangkalikasan/Pangturismo) sa magkatuwang na hakbang ng pamunuan ng Barangay Looc at Unang Ginoó ng lalawigan. Ang proyekto ay maaaring gugulan at pondohan ng pamahalaang local, nasyonal, o International project fund.
Katotohanan (Facts):
1. Barangay Pansol ng Calamba ay sagana sa bukal na tubig at naglipanà ang natural hot spring resorts.
2. Sa pulô ng Calamba (
3. Sa bukál galing ang tubig na pinagyayaman ng Calamba Water District.
4. Pook turismo ang Calamba mismo.
5. Masusing pagaaral sa panukala, mainam at makatotohanang Project Proposal ang unang hakbang na kailangan upang lapatan ng pondong kailangan ang pagsasakatuparan ng pangarap na ito.
Tagumpay ng panukala ang maglalagay sa Barangay Looc sa mapa ng turismo sa lalawigan. Lakbay sa tagumpay ay di makakamtan kung ang unang hakbang ay di sisimulan. Hayo na at ating abutín ang ningníng ng tagumpay – kayang-kaya kung sama-sama.
-30-
4 comments:
Ang galing naman! Pagawa nga ako. Also, I need your vote on the following:
http://www.new7wonders.com/nature/en/nominees/asia/c/PuertoPrincesa/
http://www.new7wonders.com/nature/en/nominees/asia/c/TubbatahaReefReef/
at paki visit lang ito, gusto ko kumuha ng materials jan para sa blog ko about, PALAWAN: Philippines'last frontier...and beaches.
[IMG]http://i264.photobucket.com/albums/ii180/adjahar/Palawan1.jpg[/IMG]
http://s264.photobucket.com/albums/ii180/adjahar/?action=view¤t=Palawan1.jpg
http://i264.photobucket.com/albums/ii180/adjahar/Palawan1.jpg
http://www.tourism.gov.ph/explore_phil/place_details.asp?content=description&province=22
http://www.dotpcvc.gov.ph/Destinations/palawan.htm
http://www.palawan.gov.ph/gallery/gallery.php
http://www.clubparadisepalawan.com/
http://www.amanresorts.com/home.aspx?id=398
http://www.besthotelsresorts.com/amanpulo.htm
Full of info!!!!!but i need the History Of Calamba!!!!!its not very important to us!,the info that you have post!!but its full of info.
As a student we need some info about our city,CALAMBA!!!!!!!!
Wish you will Grant m request!
Plsssssssss....
Nagpupugay B2 ...
Lolo Ome galing ng Blog site mo. kulang lang sa mga update.
keep it up !
There is only one glaring truth, the article is a well-researched one done by a well experienced son-of-a- B---- (Bukal)Kay-Tala.
This guy is not only "malupit" as a writer but also exhibits the same "killer instinct" in his game of tennis. Though he is entering the most exiting decade of his life (for life begins at 70, I don't know who said that), still, this ubiquitous social drinker commands high respect not only among his peers but also in the tennis arena and elsewhere (I have no knowledge when it comes to the GRO world).
Post a Comment